Thursday, May 10, 2007

St. Peter's "wiwi" signs (summary)















Sa pagising ko sa umaga, naka chat ko si dan,
pinapunta ko sya samin at pumunta kami sa cente upang tumambay, nakasama namin si (by appearance) jhart,jay,erfats en ermats ni jhart,ate violy,bebang,jasmin,jihoney,eduardo,didd,dante,mark at sa mga hindi nabangit alam niyo kung sino kayo.


Ang hapon ay sadyang kay init, ang aking pawis ay tumutulo sa bagong ahit kong balbas at itoy kumikirot dahil sa pawis, at akoy nag RAY BAN at patuloy sa paglalakbay, maya maya'y naicpan namin magkukuha ng mga larawan, mag halo-halo at saging con hielo, magbeskitbol,mag motor, mag road trip, mag bmx, magkwentuhan at kung anu ano pa.


Bago sumapit ang dilim, ang mala-impyernong temperature ay biglang nag iba ang ihip ng hangin. Si amihan ay dumating na may konting pawis at sa hindi kalayuan, si Zeus ay galit na galit na papunta sa kanluran at hindi nagtagal ang mga mabibigat na ihi ni San Pedro ay dumilig sa natutuyong inang kalikasan. Dito na nga ba nagwawakas ang mga kasiyahan sa tag init ng mga Bonjing Fyters?





Sa aming pagbaba mula sa sasakyan ni jay galing cente, patuloy ang pag ihi ni San Pedro na inipon niya ng ilang buwan. Kami ni dan ay parang basang sisiw na tumatakbo papunta sa amin, buti nalang hindi nabasa ang aming mga cameras,cellphones at mga bombastic gadgets at dahil dun, nagdiwang kami at kumain ng fried dilis na luto ng aking ina.END. thanks for reading my post : )

No comments: