Saturday, May 12, 2007

THE BLACK PARADa (ex-mayor dony torres remix)




Kahapon, ang mukha ko ay naka tutok lang sa monitor ng PC buong araw, pagising online,bago matulog nag online pero kumain nman ako at tumae at naligo. Kanina, habang bumibili ako ng merienda kay ate olive(the cheapest chibugan in town) narinig ko na dadating daw si Angel Locsin sa parada ni Dony Torres (ito ang mga kumento ng mga tao sa paligid ko-----> BOY1: si angel locsin daw dadating. BOY2: maniwala ako sayo. BOY3: si angel locsin magpaparada sa ganyang kainit? BOY1: eh un ang narinig ko eh. BOY3: hindi mo ba alam kung gaano kataas ang talent fee ni angel locsin? ATE OLIVE: eh kung nasa kanila nmn ang pera ng bayan, edi maku2ha nga si angel locsin!) Nag message ako kena Marco at dan, hoi si angel locsin dadaan sa amin pang hatak ni mayor, at sila ay pumunta sa amin. Sa kasiwiang palad, hindi nmin nakita si angel locsin sa parada, ang nakita lang nmin ay ang mga tao at mga politiko na may dalang TORCH na para bang may susunoging aswang sa barrio. Si marco ay umuwi na dahil may dala xang bente mil dahil pinag withdraw xa ng ermats niya sa bangko(baka daw mawala) kami ni dan ay nagtungo sa cente upang magbasketbol at nagbadminton(ngunit si dan ay hindi nagbasketbol) pagkatapos ay nagkuwentuhan kami sa bahay nila jayhart na akala mo ay mga laseng na nag iinuman pero pansit canton at papaitan lang nman ang kinakana namin. hindi nmin nmalayan na 11pm na pala, so nag decide na kami umuwi at nag pahatid kami sa kanto ng cente kena mark at jhart gamit ang motor. pagdating ko sa ilalim ng tulay ng sta.rosa 2 (si dan ay naka sakay na ng tryk) ako ay umihi sa madilim na gilid ng tulay at hindi inaasahan na my tumpok ng langam na natapakan ko at ayun, pag uwi ko ng bahay, maga ang buong kaliwang paa ko. hanep na langam yan, mag palaki xe kayo para makita ko kayo sa dilim, at dito na nagtatapos ang aking kwento ako ay matu2log na dahil mag jo2ging daw kami mamaya ng 4am(sana magising ako)

1 comment:

Ms.Chet said...

that parade created such huge traffic in noveleta! we were stuck for almost an hour, i had a splitting headache when i reached our house. and you were right, what's with the torches? have they burned anybody at the stake?

anyway, i got the link to your blog from friendster. keep writing!

ciao!

www.chet-studentconnection.blogspot.com